Una sa Balita

2019 Thunderbird Manila Challenge siyapol ngayon

0 474

LAHAT ng daan ay patungo sa Smart Araneta Coliseum ngayon kung saan ipaparada ang 150 matinding sulatada sa pagitan ng mga pinakasikat at pinakamatagumpay na mga breeder ng manok-panabong sa Pilipinas, lahat ay kabilang sa iginagalang na Thunderbird Winning Team.

Isang pambihirang banggaan ng mga idolo ng sabong, ang 2019 Thunderbird 6-Cock All Star Derby ay magtatampok ng 50 de-kalidad na kalahok na magbibitaw ng kanilang pinakamagagaling na tinale.

Nakahandang magtuos sina World Pitmasters Cup 9-Cock International Derby champion Congressman-elect Engr. Sonny Lagon, Dicky “Mr. Cool” Lim, Vendivil ng Nueva Ecija, 4-time World Slasher winner Tata Rey Briones ng Masbate, Gov. Eddie ‘Bong’ Plaza ng Agusan del Sur, back-to-back Slasher champ Frank Berin ng Isabela, BNTV Cup’s Joey Sy, Bakbakan champ Engr. Sonnie Magtibay ng Palawan at Ormoc Gold breeder Bernie Tacoy.

Kasali rin sina Boy Marzo ng La Union, Redbull Gamefarm’s Carlos Tumpalan, Bicolano Teng Rañola, Cong. Larry Wacnang ng Kalinga, Bebot Monsanto ng Cebu, Paolo Malvar ng Tarlac, Mayor Jesry Palmares ng Iloilo, Ormoc City’s Winnie Codilla, Dennis De Asis ng Bacolod, Pitmasters’ champ Hermin Teves ng Dumaguete, Capiz’s pride Marcus Del Rosario, Mayor Baba Yap ng Bohol, Alvin Ong ng Cebu, Vic Lacsao ng Negros at magkapatid na Lino Mariano & Tol Mariano ng South Cotabato.

Hindi rin papaiwan sina Bentoy Sy ng Zamboanga del Norte, Tan Brothers ng Davao, Zamboanga City’s Manny Dalipe, Armand Santos ng Laguna, Toni Lizares ng Bacolod, Randolf Plaza ng Butuan, 2018 co-champion Baham Mitra ng Palawan at ang isa pang nagtatanggol na kampeon na si Engr. Expedito Taguibao ng Cagayan. (Enjel Manato)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy