Una sa Balita

2019 Southeast Asian Games handa na

0 432

Ilang araw na lamang at idaraos na sa ating bansa ang pinananabikang SEA Games kaya nga personal na nating ininspeksiyon ang Rizal Memorial Coliseum sa Malate, Manila at Philippine Sports Complex (da­ting Ultra) sa Pasig City.

Bilang miyembro ng House Committee on Youth and Sports Development ay siniguro nating handang-handa na ang mga gagamiting equipment at ‘yung mismong lugar na pagdadausan ay tiniyak nating ayos na. Sa kabuuan ay maayos na ang lahat at wala na kaming nakikitang problema para sa nalalapit na 30th Southeast Asian Games at maging ang ating mga atleta ay doble rin ang pagsisikap para mapakagbigay ng karangalan sa bansa.

Kasama ang ilang kinatawan, binisita namin ang lahat ng pagdadausan ng palaro at sa kabuuan ay kitang-kita na preparadong-preparado na ang ating bansa para pangunahan ang pagiging host ng naturang kaganapan.

Alam kong hindi lang ako ang excited sa gaganaping SEA Games sa darating na Nobyembre 30 hanggang Disyembre 11 dahil maging ang ating mga kababayan ay ramdam na ramdam na ang kanilang pananabik.

Napakalaki kasi ng inaasahan sa atin ng mga lumahok mula sa iba’t ibang bansa, dahil first time na ang mga palaro ay decentralized, bawat lugar ng kompetisyon ay ikinalat sa 23 siyudad sa buong bansa at hinati ito sa apat na cluster.

Isa pa, matagal-tagal na ring hindi tayo nagho-host ng games dahil ang pinakahuli natin ay noon pang taong 2005, bale ito pa lamang ang pang-apat na pagkakataon na tayo ang host.

2019 SEA Games…

(Mula sa pahina 4)

‘Yung pinaka-una nating nag-host ay noong 1981 tapos nasundan nooong taong 1991, bale sampung taon ang pagitan kaya dapat pinaghahandaan nating mabuti dahil sa nagtitiwala sila sa atin.

Ang kagandahan pa dito, ito ang kauna-unahang pagkakataon na kasali ang e-sports at obstacle course at tayo rin ang may pinakamataas na bilang ng sports sa kasaysayan dahil umaabot ito sa 56 bale sa kabuuan. Dapat talaga ang original na magho-host ng SEA Games ay ang Brunei pero bago ang 2015 SEA Games umatras sila dahil mukhang problema sila sa pananalapi noong mga panahon na ‘yan.

Tapos tayo naman dapat mag-host noong 2017 pero umatras din tayo dahil sa usaping pinansiyal din, gusto ng gobyerno noon na i-rehabilitate ang Marawi na lubhang nawasak sa giyera. Kaso noong Agosto 16, 2017 binawi din natin ang desisyon na umatras sa pagho-host kaya nga ngayong heto at tayo na ang may pagkakataon, kaya dapat nating pagbutihin. Alam n’yo, ngayong tayo ang magho-host ng 30th Sea Games, maiikonsidera itong stepping stone para tayo ang mag-host ng 2030 Asian Games na isang napakalaking karangalan. Kaya sa ating mga kababayan, nanawagan ako ng todong suporta para sa ating mga atleta dahil malaking bagay para sa kanila na nakikita tayong pumapalakpak habang inaabot nila ang gintong medalya. Sa ngayon ay positibo na ang lahat at umaasa ako na magiging matagumpay ang kaganapang ito sa bansa sa tulong din ng inyong suporta at panalangin. -30-

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy