Una sa Balita

2019 PSL All Filipino Conference Team Preview

0 344

Araneta gigiya ang Generika

NAIS higitan ng Generika Ayala Lifesavers ang kanilang bronze medal performance noong nakaraang conference kaya itotodo nila lahat sa pa­ngunguna ni team captain Angeli Araneta.

“Being the bronze medalists last All-Filipino Conference, for this conference we want to aim higher. We want to reach the finals,” pahayag ni Araneta sa PSL press conference nitong Hunyo 4 sa Philippine Sportswriters Association Forum sa Amelie Hotel-Manila.

Matatandaan na nawalis ng koponan ang Cignal HD Spikers para sa bronze me­dal match noong isang taon.

Mas lalo pang titibay ang depensa ng Lifesavers dahil magbabalik na sa koponan si multi-awarded libero at UE Lady Warrior Kath Arado na malaking tulong para sa kanila.

Dadagdag rin para sa Generika Ayala si UE superstar Mean Mendrez na magpapalakas sa opensa ng koponan. (Janiel Abby Toralba)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy