Una sa Balita

2019 para sa patuloy na pag-asenso ng Pilipinong magsasaka

0 535

Sinimulan natin ang 2019 nang buong tapang na­ting hinarap ang tropical depression Usman, at naipakita natin sa ating kababayan na narito lamang tayo para tumulong.

Sa pag-usad ng Ene­ro, dire-diretso ang pagtatrabaho ni VP Leni Robredo kasama ang buong team ng Office of the Vice Pre­sident (OVP) para ipagpatuloy ang anti-poverty program na­ming kilala ninyo sa tawag na Angat Buhay.

Maliban sa Disaster Relief and Rehabilitation efforts na isang mode of engagement ng programa, nakatutok din kami sa iba’t ibang aspeto ng ating pamumuhay na alam naming susi para tuluyan nating matalo ang kahirapan sa ating bayan.

Isa rito ang mga programang nagpapalakas sa kakayahan ng ating mga magsasaka para kanilang mapalago ang pinagkakakitaan.

Sa ilalim ng Omasenso sa Kabuhayan program ng Angat Buhay, nagtungo ang Angat Buhay team kasama si VP Leni, at isang grupo ng mga magsasaka sa Silang, Cavite noong Sabado.

Dito ay lumahok sa isang study tour ang mga farmer para mabigyang karagdagang kaalaman sa organic farming. Nagkaroon din ng diskusyon tungkol sa best practices at sa merkado—mga bagay na kaila­ngang maintindihang maigi ng mga magsasaka para magamit sa pagbalik nila sa kani-kanilang mga sakahan.

Related Posts

Kasama rin ang mga representatives ng Metro Naga Deve­lopment Council para mismong ang local go­vernment unit ay magkaroon din ng kakaya­hang magbigay kaalaman sa kanilang mga komunidad.

“Malaking tulong ito kasi natututo kami ng ibang paraan para mapaganda namin ang aming kita,” kuwento ni tatay Jun, isang magsasaka.

“Maganda iyong sa classroom na tuturuan kami, pero maganda rin ito na kami talaga ang nakakakita kasi natututo rin kami,” dagdag niya.

Unang beses kong naikuwento sa inyo ang Omasenso sa Kabuhayan ng OVP. Isa pa ito sa patuloy naming pinaghihirapang programa na alam naming isang malaking tugon sa kahirapan

“We launched a big, ambitious project in Camarines Sur, the entire province, called Omasenso sa Kabuha­yan—our office’s way of revitalizing the agriculture sector in the Bicol region,” kuwento ni VP Leni noong Oktubre sa Canada.

Kaya ngayong 2019, patuloy ta­yong tutulong sa mga nasa pinakamaliliit, pinakamalalayo, at pinakamahihirap na mga komunidad. At isa sa mga pagtutuunan natin ng pansin at hin­ding-hindi pababa­yaan ay ang mga magsasakang naglalagay ng pagkain sa ating hapag-kainan.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy