Una sa Balita

2019 Int’l Gamefowl Festival umpisa bukas

0 784

ANG pinakahihintay na 2019 International Gamefowl Festival, tinaguriang pinaka-exciting na gamefowl festival ng taon, ay magsisimula bukas sa SMX Convention Center, Mall of Asia Complex at magpapatuloy sa Enero 12 at 13 tampok ang mga pinakasikat at pinakamatagumpay na mga nagpapalahi ng manok-panabong sa Pilipinas sa pangunguna ni Engr. Sonny Lagon ng Blue Blade Gamefarm.

Tampok ang Grand Festival for Gamefowl Auction, Pigeon Pavillon, Bitawang Bayan, daily raffle at daily variety shows, ang 2019 International Gamefowl Festival ay inaasahan na dudumugin ng libo-libong sabungero sa bawat araw nito, na mag-uunahan upang sila ang unang makapili sa maraming klase ng mga palahing manok na maaring mabili mula sa mga pinakamagagaling na gamefowl breeders ng bansa.

 Ang Festival ay magbubukas ng alas-10:00 ng umaga at tatakbo hanggang ala-6:00 ng gabi.

 Ang mga nakahandang booth para sa mga bisita ay mula 3K Gaffing Igan Peruvian, 482 Gamefarm, A. Flores Gamefarm, A. C. Ang Enterprises, AEJ Gamefarm, Akimiko Kaibigan Mar. Alan Syiaco, Alesko Gamefarm, All Angles Media Corp., Alloy Engineering Works Daily Green Enterprises, Andrew Mendoza, Arlon Mendoza, Arturo Mariano, Battlecock, BBSY Gamefarm, Bebot Monsanto atbp. (Enjel Manato)