Una sa Balita

2019 idineklarang ILO centenary ni Digong

By
0 281

IDINEKLARA ni Pangulong Rodrigo Duterte ang taong 2019 bilang International Labour Organization (ILO) Centenary.

Ang deklarasyon ay batay sa inilabas na Proclamation no. 710 na inilabas ng Malacañang kasabay ng ika-100 anibersaryo ng International Labour Organization (ILO), kung saan ang Pilipinas ay isang aktibong miyembro.

Batay sa proklamasyong nilagdaan ni Duterte, inaatasan ang Department of Labor and Employment (DOLE) na makipagtulungan sa mga employer at mga grupong manggagawa para maglunsad ng mga programa at aktibidad sa buong bansa para sa selebrasyon ng ILO centenary.

Pangungunahan ng Presidential Communications Operations Office (PCOO) ang information campaign para malaman ng publiko ang halaga ng ILO sa Plipinas, pati na rin ang pag-promote ng mga programa at aktibidad para sa selebrasyon ng ILO centenary.

Inaatasan din ng Malacañang ang ibang ahensiya, partikular ang mga may kaugnayan sa ILO projects, lahat ng government units at pribadong sektor na suportahan at alalayan ang DOLE para matiyak ang tagumpay ng selebrasyon ng ILO centenary.

Itinatag ang ILO noong 1919, at naging miyembro ang Pilipinas noong 1948.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy