Una sa Balita

2019 budget pinalawig hanggang 2020

0 298

MAAARI pang gamitin ang ilang bahagi ng 2019 national budget sa susunod na taon.

Ito ay matapos lagdaan ni Pangulong Rod­rigo Duterte ang Republic Act No. 11464, na magbibigay-daan para magamit pa ng isang taon ang 2019 budget.

Sa ilalim ng nilagdaang batas, magagamit ang capital outlay and maintenance at iba pang operating expenses na inilaan sa 2019 national budget hanggang Disyembre 31, 2020.

Matatandaang gumamit ng reenacted budget ang bansa sa unang apat na buwan ng 2019 dahil sa kontrobersyang idinulot ng mga pork insertion o nakasingit na pork barrel fund na ayaw ni Pa­ngulong Duterte.

Dahil sa pagkaantalang ito, mayroong bahagi ng 2019 budget na hindi pa nailalabas at hindi nagagamit na maaaring ibalik sa national treasury kung hindi i-extend ang validity nito.

Ang batas ay nilagdaan ni Pangulong Duterte nitong Disyembre 20, 2019. (Aileen Taliping)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More