Una sa Balita

2019 budget lulusot bago magsara ang 2018

By
0 67

Sa kabila ng mga bala­kid sa Kongreso ay kumpiyansa ang Malacañang na malalagdaan ni Pa­ngulong Rod­rigo Duterte ang pambansang budget para sa susunod na taon bago matapos ang 2018.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque sinisikap ng Ehekutibo at Kongreso na magkasundo para maipasa ang pambansang budget para sa 2019.

Ayon kay Roque, nagkasundo ang Department of Budget and Management (DBM) at Kongreso na sundin ang transitory cash-based system.

Sa ilalim ng sistema, may isang taon para tapusin ang isang proyekto at may 18 buwan para ganap na mailabas ang pondong inilaan sa isang proyekto.

“Per the Department of Budget and Management (DBM), they, together with Congress, have agreed to a transitory cash-based system.

Under this system, government would have 12 months to obligate and 18 months to disburse its budget,” ani Roque.
Ayon sa kalihim, ipapaliwanag ng DBM sa tamang panahon kung ano ang nakapaloob Sa napagkasunduang sistema para sa pambansang budget.

Umaasa si Roque na maaabot pa rin ang timeline sa pagpasa ng 2019 budget kahit pa may ilang mambabatas na kumukuwestiyon sa ilang pondong pinag­laanan ng malalaking halaga.

Nasa kabuuang P3.757 trillion ang proposed national budget para sa 2019 kung saan malaking bahagi nito ay mapupunta sa edukasyon at impraestruktura partikular sa mga nakalinyang malalaking proyekto ng pamahalaan sa ilalim ng ‘Build, Build, Build’ program.