Una sa Balita

2019 budget kinalikot ni Gloria

By
0 744

MINANIPULA ni House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo ang panukalang 2019 national budget kahit tapos na ang ratipikasyon ng dalawang kapulungan sa bicameral report.

Ayon kay Senador Panfilo ‘Ping’ Lacson, pinakialaman ni Arroyo ang P25 milyong pondo para sa Department of Health (DOH) at ini­utos na i-realign sa ibang kongresista.

“The 2019 national budget is doomed, but not to our own ­liking. I will raise a big ­legal issue before my ­colleagues in the Upper House out of this latest scheme that our Lower House counterparts led by Speaker Arroyo are resorting to in order to manipulate the ratified bicameral committee report,” diin ni Lacson.

Batay aniya sa impormasyon, iniutos ni Arroyo ang paglilipat ng Health Facilities Enhancement Program na nagkakahalaga ng P25 milyon patungo sa alokasyon ng mga kongresista na kanyang pinapaboran.

Kabilang dito ang P2.5 million allocation para pambili ng ambulansiya habang ang P8 milyon ay ipinamahagi sa hindi sumuporta kay Arroyo bilang Speaker.

Nanindigan si Lacson na iligal umano ang hakbang na ito dahil tapos na ang ratipikasyon ng 2019 budget.
Maituturing aniya itong grave abuse of discretion sa bahagi ni Arroyo at malinaw din na paglabag sa 1987 Constitution.

Naratipikahan na ng Senado ang 2019 budget noong Pebrero pero hindi pa ito naipadadala kay Pangulong Rodrigo Duterte para mapirmahan.

“I maintain, and I trust that majority of my colleagues in the Senate will agree, that such realignments ordered by Speaker Arroyo prior to the printing of the proposed 2019 budget is clearly unconstitutional and inappropriate,” giit ni Lacson.

Dumistansiya naman ang Palasyo sa ­naging pasabog ni Lacson ­laban kay Arroyo.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na panloob na usapin ito ng Kongreso kaya’t ang mga mambabatas ang dapat na magresolba sa sinasabing singit na P25 milyon.

Gayunman, si Pa­ngulong Duterte na ang ­huling magpapasya kung tatanggapin o ibi-veto at ibabalik sa Kongreso ang enrolled bill ng 2019 national budget.

Idinagpag pa ni Panelo na nakausap rin niya si Speaker Arroyo at mariin nitong itinatanggi ang akusasyon ni Lacson.
“Wala daw nabago doon sa bicam. Eh kung from what she says ‘yun ‘yung pini-print, eh ‘di ‘yun na ‘yun,” dagdag ni Panelo.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More