Una sa Balita

2019 BNTVCup 5-Stag Nat’l Derby umpisa na

0 528

SIMULA na ngayon ang pinakahihin­tay na 2019 BNTVCup 5-Stag National Bullstag Derby sa pagsiyapol ng una sa siyam na 2-bullstag eliminations sa Metro Darasa Cockpit sa Batangas.

May garantisadong premyo na P 1-miyon o higit pa rito para sa maliit na entry fee na P5,500 at minimum bet na P3,300.

Tanggap ang mga tinale na na-band noong nakaraang taon para sa 2018 BNTV Cup, mga early bird, at pati na ang local at national banded bullstag na tumitimbang mula 1.800 hanggang 2.200 kgs.

Ihahatag ang 3-bullstag finals sa Smart Araneta Coliseum sa Abril 2 sa mga pagtataguyod ng PAGCOR, Thunderbird Platinum, Bmeg Integra, Minami, Las Piñas Coliseum at LDI.

Ang iba pang 2-bullstag eliminations ay sa Sta. Barbara Coliseum (Pangasinan) sa Mar. 14; Beddeng Cockpit sa Vigan City sa Mar. 16; Little Coliseum sa San Pablo City sa Mar. 17; Texas Cockpit Arena sa Rizal sa Mar. 19; San Roque Cockpit Arena sa Bulacan sa Mar. 19; Bacolor Cockpit sa Pampanga sa Mar. 22; San Nicolas Cockpit sa Ilocos Norte sa Mar. 23 at Imus Sports Arena sa Cavite sa Mar. 26.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy