Una sa Balita

‘2019 Beautiful Manila’ photo contest tagumpay

0 227

PINANGUNAHAN ni Manila Mayor Isko Moreno ang pagbibigay ng pagkilala sa siyam na nagwagi sa ‘2019 Beautiful Manila’ Photo Contest ng Manila Police District-Press Corps (MPDPC), kamakailan sa Manila City Hall,Ermita,Maynila.

Tumanggap ng P15,000 premyo si Edwin ­Bascanas na 1st prize para sa Professional ­category; 2nd place na may P10,000 premyo si Miguel Antonio de Guzman; at P5,000 3rd prize si Russel Palma.

Samantalang sa non-professional category ay 1st place si Jose Melencio “Bimbo” Brillo, P15,000; 2nd si Vaughn Russel Rico-Buela, P10,000; at 3rd place si Joshuan de Guzman, P5,000.

Habang sa cellphone category naman ay nag-1st place si Catherine Michelle Aragoncillo, P5,000; Benjie Manalo, 2nd at P3,000 cash prize at Janna ­Matasigan, 3rd place na may P1,000 premyo.

Sinabi ni Moreno na ito pa lamang ang simulant ng marami pang ‘beautiful Manila’ contest.

Kaakibat sa pagtataguyod ng photo contest ng MPDPC ang pamu­nuan ng Manila Police ­District sa pangunguna ni ­dating director at ngayon ay ­Regional ­Director ng ­Region 4-A PB/Gen.­Vi­cente ­Danao Jr. at si Phi­lippine ­Amusement Gaming ­Corporation Chairman Andrea ­Domingo. (­Juliet ­de Loza-Cudia)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy