Una sa Balita

2017 Araw ng Kalayaan job fair ng DOLE

By
0 8

Kasabay ng paggunita sa ika-119 taong anibersaryo nang pagdedeklara ng Kalayaan ng Pilipinas, magsasagawa ang Department of Labor and Employment (DOLE) ng 21 job and business fair sa iba’t ibang lokal na pamahalaan sa 14 rehiyon sa buong bansa.

Ayon kay Labor and Employment Secretary Silvestre H. Bello III, dapat siguruhin ng mga aplikante na magtutungo sa job and business fair na kumpleto ang dadalhing dokumento gaya ng resume o curriculum vitae; 2×2 ID pictures; certificate of employment para sa dating nagtatrabaho; diploma o transcript of records; at authenticated birth certificate upang mabilis na makahanap ng trabaho sa dahilang magsasama-sama sa iisang lugar ang maraming employer.

Gaganapin ang 2017 Araw ng Kalayaan job and business fairs sa mga sumusunod na lugar:
National Capital Region (NCR) – Senior Citizen’s Garden, Rizal Park, Manila; Cordillera Administrative Region (CAR) – SM Baguio City; Region 1 – CB Mall, Urdaneta City, Pangasinan; Nepo Mall, Dagupan City; Candon Civic Center, Candon City, Ilocos Sur; Manna Mall, San Fernando City, La Union; Robert Estrella Gymnasium, Rosales, Pangasinan sa Hunyo 13;

Abante Hiring – IT dep

Region 2 – Cagayan State University, Caritan Campus Gym, Tuguegarao City; Region 3 – Malolos Convention Center, City of Malolos, Bulacan; Robinsons Townville, Maharlika Highway, Cabanatuan City;

Region 4A – Binangonan Municipal Hall, Bina­ngonan, Rizal.
Gayundin sa Region 4B – Xentro Calapan Mall, Roxas Drive, Lumangbayan, Calapan City; Municipal Plaza, San Jose, Occidental Mindoro;

Region 5 – Daet, Camarines Norte;

Region 6 – Marymart Mall, Iloilo City;

Region 7 – Covered Court, Cebu City Sports Complex, Osmeña Blvd., Cebu City;

Region 8 – Tacloban City Convention Center, Tacloban City; Catbalogan City Plaza, Catbalogan City Samar (Hunyo 15).

At sa Region 12 – SM City of GenSan, General Santos City; CARAGA – Provincial Capitol, Butuan City sa Hunyo 14; Negros Island Region (NIR) – 888 Premiere Mall, sa Bacolod City
Sa ilalim nang pinasimulang programa ng DOLE at Department of Trade and Industry, ang Trabaho, Negosyo, Kabuhayan (TNK), layunin ng job and business fair na ilapit ang oportunidad sa empleyo at pagnenegosyo sa mga lokal na mamamayan.