Una sa Balita

200 pamilya nasunugan sa QC

0 429

SUMIKLAB ang malaking sunog sa Barangay Manresa, Quezon City kung saan aabot sa 200 pamilya ang nawalan ng tirahan.

Nagsimula ang sunog pasado alas-11:00 kamakalawa nang gabi.

Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP), umabot ng ikalimang alarma ang sunog bago ito idineklarang fire out kahapon ng alas-tres nang mada­ling-araw.

Aabot sa 100 bahay na gawa sa mga light material ang nasunog.

Tinatayang nasa isang milyong piso ang halaga ng pinsalang idinulot ng sunog sa mga ari-arian.

Lima ang nasugatan kabilang ang apat na residente at isang fire volunteer.

Ayon kay Quezon City Fire Marshal Senior Supt. Jaime Ramirez, iligal na koneksyon ng kuryente ang isa sa tinitignang dahilan ng pagsiklab ng apoy.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy