Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

200 biyahero tengga sa bagyo

0 20

NANATILING stranded ang mahigit 200 biyahero sa Matnog Port sa Sorsogon kasunod ng ginawang pagsususpinde ng Philippine Coast Guard sa mga biyahe papuntang Visayas at Mindanao dahil sa bagyong Jolina.

Sa report ni Achilles Galindes, acting division manager ng Philippine Ports Authority (PPA) terminal management office sa Matnog, nitong 1pm ng Lunes, ang mga stranded na pasahero at sasakyan ay pansamantalang inilikas sa evacuation center ng pamahalaang lokal.

Isinailalim na kasi sa Tropical Cyclone Wind Signal ang lalawigan.

Nakasaad sa detalye na nasa 89 trucks, 22 light cars at 222 na pasahero ang stranded din. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.