Una sa Balita

20 Pinoy sa Tripoli nagpasaklolo sa DFA

0 341

NAGSIMULA nang ilikas ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang mga Pinoy mula sa Tripoli upang hindi mada­may ang mga ito sa kaguluhang nagaganap sa naturang bansa.

Ang unang batch na inilikas ng embahada ng Pilipinas ay ang tatlong hospital worker at apat na estudyante, na dinala muna sa Tunis at nakatakda nang umuwi ang mga ito sa Pilipinas.

Ayon kay Embassy Chargé d’Affaires Elmer G. Cato, ang 13 pang Pinoy na humingi ng tulong para sa pagpapauwi sa mga ito ay inaasahang ililikas sa susunod na mga araw.

Nabatid na ang embahada ng Pilipinas ay tinutulu­ngan ng mga augmentation team mula sa Office of Migrant Workers­ Affairs, na nakabase sa Tripoli at Tunis sa pamumuno ni Executive Director Enrico Fos at Director Iric Arribas.

Ayon sa DFA, sasagutin ng ahensiya ang repatriation cost ng apat na estudyante na nagmula sa Islamic school sa Tripo­li, samantalang ang Overseas Workers Welfare Adminis­tration (OWWA) ang sasagot sa airfare ng tatlong kawani ng Ali Omar Ashkar Hospital, labas ng Tripoli.

Sinabi pa ni Cato, sa 1,000 Pinoy na nasa Libya, 20 lamang dito ang humingi ng tulong na makauwi ng Pilipinas sa kabila ng mariing panawagan ng DFA na umuwi na sila upang huwag maipit sa kaguluhang nagaganap sa nabanggit na bansa. (Armida Rico)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy