Una sa Balita

20 NPA sumuko sa Laguna

0 623

NASA 20 miyembro ng rebeldeng New People’s Army (NPA) mula sa tribong Dumagat ang kusang-loob na sumuko sa pulisya at militar sa lalawigan ng Laguna.

Naunang sumuko ang 19 rebelde noong Biyernes samantalang isa pa ang sumurender noong Sabado sa Barangay San Antonio, isang mala­yong barangay sa bayan ng Kalayaan.

Binitbit din ng mga ito ang 12 iba’t ibang klase ng baril, dalawang granada at mga bala.

Ayon kay Chief Superintendent Edward Carranza, Regional Director, PRO CALABARZON, ang mga nagbalik-loob ay pawang miyembro ng Samahang Dumagat, na nakabase sa bulubunduking bahagi ng Laguna, Rizal, at Quezon, at nagsisilbi bilang ‘pasa-bilis’ at lookout ng mga rebelde laban sa operasyon ng mga militar.

Kabilang sa mga sumuko ay tatlong chieftain ng katutubo. Isinailalim ang mga ito sa custodial debriefing. (Ronilo Dagos/Edwin Balasa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy