Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

20 NBI agent tutok sa PNP, PDEA investigation

0 179

May 20 ahente mula sa iba’t ibang unit ng National Bureau of Investigation (NBI) ang nakatutok ngayon sa imbestigasyon sa naganap na misencounter sa pagitan ng Philippine National Police (PNP) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Ayon kay NBI Spokesman Ferdinand Lavin, sinuyod na ng mga ahente ng NBI ang lugar na pinangyarihan ng palitan ng putok ng dalawang panig sa Commonwealth Avenue sa Quezon City.

Nabatid na may tatlong testigo na ang hawak ng NBI at kinumpiska rin ang lahat ng cellphone ng mga sangkot na pulis at PDEA agent para makita ang huli nilang transaksiyon.

“It is a priority case, lalo nanat tayo abg inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte na mag-imbestiga sa kaso,” ayon kay Lavin.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Tiniyak ni Lavin na kaagad na tatapusin ng NBI ang kanilang imbestigasyon sa insidente.

Posible rin na magbigay ng rekomendasyon ang NBI sa kanilang imbestigasyon.

Pinag-utos na rin ni NBI OIC Director Eric Distor ang mga imbestigador na tingnan lahat ng anggulo.

Una rito, nagpahayag si Pangulong Rodrigo Duterte na tanging NBI lang ang hahawak sa pag-iimbestiga ng insidente sa pagitan ng PDEA at PNP para matiyak umanong magiging patas ang pag-alam sa tunay na ugat ng engkuwentro. (Juliet de Loza-Cudia)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.