Una sa Balita

20 naka-impound na sasakyan nagliyab

0 185

NASA may 20 sirang sasak­yan na karamihan ay pawang mga go­vernment service vehicle ang tinupok ng apoy habang nakaparada sa impounding area ng Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) kahapon nang madaling-araw sa Malate, Maynila .

Ayon sa Manila Police District (MPD), alas-3:30 nang madaling-araw nang magsimula ang sunog sa impounding area ng MTPB na matatagpuan sa tabi ng Harrison Plaza, sa F.B. Harrison St. sa Malate, dahilan para madamay na masunog ang mga naka-park na sasakyan.

Kabilang sa mga nasunog ay mga sirang mobile car.

Naging mabilis ang pagkalat ng apoy dahil may mga laman pang gasolina ang ilan sa mga sasakyan at kinailangan pa itong gamitan ng kemikal ng mga pamatay-sunog para maapula.

Patuloy namang inaalam na ng mga awtoridad ang sanhi ng sunog, kabilang na ang pahayag ng isang jeepney driver, na halos gabi-gabi ay may mga adik na nakikitang bumabatak ng iligal na droga sa naturang lugar.

Tinatayang nasa P50,000 ang halaga ng mga sasakyan ang napinsala. (Juliet de Loza-Cudia)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy