Una sa Balita

20 gramo ng shabu nakuha sa inmate sa Bohol

0 243

TINATAYANG 20 gramo ng shabu ang nakumpiska sa isang inmate sa Bohol District Jail sa Tagbilaran City, Bohol matapos ang isinagawang greyhound ope­ration nitong Linggo nang mada­ling-araw.

Nakuhaan ng 28 sachet ng shabu sa short pants si Oliver Manubag nang magsagawa ng operasyon ang mga awtoridad dakong alas-singko nang umaga.

Nagkakahalaga ng P39,600 ang narekober na droga kay Manubag.

Ang greyhound operation ay magkatuwang na isinagawa ng Philippine Drug Enforcement Agency sa Central Visayas, National Bureau of Investigation, Tagbilaran City Police Station at Provincial Intelligence Branch ng Bohol Police Provincial Office (BPPO).

Inihahanda na ang kasong possession of illegal drugs laban kay Manubag.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy