Una sa Balita

20 ginto nakataya sa athletics championships

By
0 431

PAG-AAGAWAN ng mga Filipino heritage at homegrown athlete ang mga silya sa kabuuang 48 events pati na ang karapatang irepresenta ang bansa sa iho-host na 30th Southeast Asian Games sa pagsambulat ng aksiyon simula ngayong umaga ng Ayala Phi­lippine Athletics Championships sa City of Ilagan Sports Complex.

Higit 70 pambansang atleta ang sasagupa sa tatlong araw na internasyonal na torneo na tampok din ang mga kalahok mula sa bansang Sri Lanka, Malaysia, Thailand, Cambodia, Mongolia, Hong Kong at Taiwan.

Agad na paglalabanan sa men’s division ang mga gintong medalya sa 4x100m, 800m at 4×100 mixed habang sa boys division ang 4×100 mixed at 4x400m mixed category.

Diretso na rin sa finals ang mga labanan sa women’s 100m, 100m hurdles, 200m, 400m, 400m low hurdles, 4×100 relay, 4x400m relay, 800m at ang 4×100 at 41x400m mixed relay.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy