Una sa Balita

20 gasolinahan lagot sa DOE sa paniningil ng ₱2 excise tax

By
0 490

NAGPALABAS ng show cause order ang Department of Energy (DOE) sa 20 gas station sa bansa matapos matuklasan na iligal na nagpapatupad ng P2 excise tax sa kanilang mga produktong petrolyo.

Sa ilalim ng patakaran ng DOE, tungkulin ng ahensiya na suriin ang delivery receipt ng mga gasolinahan para matukoy nila kung tugma ito sa idineklarang imbentaryo ng mga oil companies.

Matutukoy din ng ahensiya kung bago o lumang supply ng petrolyo ang laman ng pump machine ng mga gas station.
Sa kasalukuyan, wala pa umano sa 20% ng 8,000 gasolinahan sa bansa ang nagpapatupad ng ikalawang yugto ng excise tax dahil hindi pa ­naman ubos ang dati nang stock.

Ang mga lalabag ay maaaring maharap sa kasong administratibo at posibleng matanggalan ng kanilang Certificates of Compliance (COC).

Mahaharap din sila sa kasong kriminal tulad ng estafa, profiteering at paglabag sa Oil Deregulation Law.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More