Una sa Balita

20% discount ng mga estudyante, senior at PWD sa ride sharing services ipatupad

0 2,876

IPINAALALA ni Senador Sonny Angara sa mga Transport Network Vehicle Services (TNVS) tulad ng Grab na obligasyon din nilang magbigay ng 20% na dis­kwento sa mga estud­yante, senior citizen at persons with disability (PWD).

“Maraming nagrerek­lamo ngayon sa social media na hindi daw nagbibigay ng discount ang Grab sa mga estudyante.

Pinapaalalahanan natin sila na obligado silang magkaloob ng diskwento hindi lamang sa mga mag-aaral, kundi pati sa mga senior at PWD. We call on the LTFRB to look into this matter and penalize the violators,” saad ni Angara.

Ipinaliwanag ng senador na nakapaloob sa Republic Act 9442 o ang amended Magna Carta for Persons with Disabi­lity at RA 9994 o ang Expanded Senior Citizens Act ang 20 percent fare discount.

Sakop nito ang land, air, sea transportation; gayundin ang mga pagkain at gamot, medical at dental service, hotel, sport at iba pang recreational center.

Bukod dito, nakapaloob din sa RA 9994 ang 12-percent value-added tax exemption sa mga senior citizen, habang exempted sa VAT ang PWD sa ilalim ng RA 10754.

Ang diskwento naman para sa mga estudyante ay nakapaloob sa Memorandum Circular 2011-004 ng LTFRB bagama’t ito ay limitado sa land transport kabilang ang mga jeepney, bus, UV Express van, taxi at TNVS.

Isinusulong naman ni Angara ang diskwento sa mga estudyante ma­ging sa air, water at rail transport sa buong taon.

“Let’s lessen the hardship of parents in sending their children to school. One way is by cutting the transportation expenses­ of the students. A few pesos saved from the fare discount can be used for their othe­r needs,” giit ni Angara.

Ang lalabag sa kautusan ay mahaharap sa multang P5,000 sa first offense habang sa ikala­wang offense ay mai-impound ang kanilang yunit sa loob ng 30 araw at ang operator ay magmumulta ng P10,000.

Sa ikatlong paglabag, papatawan ito ng P15,000 multa at kanselasyon ng prangkisa.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy