Una sa Balita

20 dinakma sa drug ops sa Biñan

By
0 8

Umaabot sa 20 katao ang naaresto sa magkakahiwalay na operasyon ng Philippine National Police (PNP) laban sa ilegal na droga sa Biñan City, Laguna kamakalawa.

Labintatlo ang natimbog sa dalawang magkasunod na operasyon sa Barangay Canlalay kabilang na rito ang walo na naaktuhang nagsasagawa ng pot session sa isang barung-barong sa Sityo Gitnang Tramo bandang alas-6:30 ng gabi.

Kabilang sa mga naaresto rito ang dalawang babae na sina Josephine Riolo y Cabinay, 33-anyos at Mhae Javier y Saja, 21-anyos.

Sa tatlong raid naman sa Barangay Langkiwa, pito ang naaresto kabilang ang isang babae na si Irish Anne Gabriel y Ponciano, 33-anyos.

Nasa 18 plastic sachet din ng shabu ang nakumpiska sa mga nasabing operasyon.

Nakakuha rin ang mga awtoridad ng iba’t ibang drug paraphernalia at mga cash money.

Nakakulong na ang mga naaresto sa Biñan police station lock up cell at sasampahan na ng kaukulang kaso.