Una sa Balita

20 cong na umipit kay Leila iba-ban ng US

0 2,133

HAWAK na ni Senador Leila de Lima ang mahabang listahan ng mga mambabatas na gusto niyang ipa-ban sa Estados Unidos.

Kailangan na lamang itong ipadala sa US State Secretary para paaprubahan.

Hindi isiniwalat ng kampo ni De Lima ang pangalan ng mga congressman pero sinabi ng chief of staff nitong si Atty. Fhillip Sawali na mga miyembro ito ng House committee on justice na nagpahiya at umipit sa senadora.

Sa unang listahan ni De Lima, kasama dito sina dating House Speaker at ngayon ay Davao del Norte Rep. Pantaleon Alvarez, dating justice committee chair at Orien­tal Mindoro Rep. Reynaldo Umali at dating Ilocos Norte Rep. Rodolfo Fariñas.

“Hindi ko po maalala lahat. Kasi dun po, even in the initial list, meron po dun na general description na sabi niya dun, okay Rey Umali, Fariñas, Pantaleon Alvarez, and all other congressmen ang congresswomen who joined in that congressional hearing and did that slut-shaming and all the verbal assaults,” wika ni Sawali sa interview ng CNN Philippines.

“It’s quite long and very meticulous po si Senator De Lima. Each and every entry po dun, she saw to it na may justification,” dagdag pa niya.

Mayroong 25 miyembro ang justice committee, pero lima dito ay miyembro ng Minority o yaong mga nagtanggol kay De Lima.

Oras na maaprubahan ang isusumiteng listahan ni De Lima, may opsyon ang US state secretary na ianunsyo ito o isikreto lamang kaya mabubulaga na lamang ang congressman kapag hinarang sila sa pali­paran ng Estados Unidos.

“I think in the law itself, it is the prerogative of the State Department Secretary whether to publicly… I mean, to publicize or not the names in the list.” ani ni Sawali.

“When you apply or when you go there, kung buhay pa ‘yung visa mo, revoked na pala. Baka magkagulatan na lang ‘to. But I guess meron nang list,” saad ng abogado.

Isiniwalat naman ni Sawali na pinag-uusapan pa nila kung isasama sa listahan ng ipapa-ban sa US ang mga judge at mi­yembro ng Supreme Court na bumoto sa pagpapakulong kay De Lima.

“There’s an ongoing discussion on whether these judicial and prosecutorial officer should be included in the list,” dagdag pa niya.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More