Una sa Balita

20 Abu Sayyaf, patay sa 3-araw na operasyon ng AFP

By
0 0

Hindi bababa sa 20 ang nalagas sa hanay ng Abu Sayyaf Group (ASG) sa tatlong araw na opensiba ng militar sa Sulu, ayon sa pamunuan ng Western Mindanao Command ng Armed Forces of the Philippines (AFP).

Ayon sa tagapagsalita ng WesMin Command na si Capt. Joan Petinglay, apat na katawan ng bandido ang kanilang narekober sa operasyon ng tropa ng 64th Marine Company sa Barangay Lumipad, Talipao, Maimbung Sulu itong umaga ng Linggo.

Nagpapatuloy ang operasyon ng AFP sa Sulu at para mabawi ang mga hawak pang bihag ng bandidong grupo na kinabibilangan ng 25 dayuhan at anim na Filipino.

Aminado ang WesMin Command na nahihirapan silang masukol ang kuta ng mga bandido, pero patuloy ang isinasagawang operasyon para matunton ang mga bihag.

Sa hanay ng militar, nasa 29 ang sugatan sa nagpapatuloy na bakbakan sa lugar pero ang ilan sa mga ito ay hindi seryoso ang tama.