Una sa Balita

2 Zika cases sa Cavite

By
0 115

May naitalang bagong kaso ng Zika Virus ang Department of Health (DOH) sa Cavite.

Sa ginanap na pulong balitaan na isinagawa ng DOH, kasabay ng National Summit on Zika Virus, sa Pasay City, sinabi ni Health Undersecretary Gerardo Bayugo na ang mga bagong pasyente ng sakit ay kinabibilangan ng isang batang lalaki at isang babae, na nasa 40 ang edad.

Dalawang paniba­gong­­ kaso pa ng Zika ­virus ang naitala ng DOH sa Cavite.

Sanhi nito pumalo na sa 19 ang kabuuang bilang ng mga taong tinamaan ng naturang sakit sa bansa.

Kaugnay nito, nilinaw ni Dr. Eric Tayag, spokesperson ng DOH na isasai­lalim pa nila ang mga mga pasyente sa masusing pagsusuri at obserbasyon.

Nalaman na hindi na rin dinala ang mga pa­syente sa pagamutan dahil mild lamang ang virus na tumama sa mga ito.

Sa kabuuan, nakapagtala na ang DOH ng kabuuang 19 na Zika virus cases sa bansa, na kinabibi­langan ng 12 kaso mula sa Western Visayas, tatlo mula sa National Capital Region (NCR), tatlo mula sa Calabarzon (Region 4A), at isa mula sa Central Visayas.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy