Una sa Balita

2 young starlet pakalat-kalat, papansin sa event

0 746

abante-i-know-better-jun-nardo
Pakalat-kalat sa isang showbiz event ang dala­wang young starlet. May pumapansin naman sa kanila dahil napapanood sila sa TV.

Ikot sila nang ikot sa venue, selfie at rampa again and again. Kulang na lang ay gumawa na sila sa eksena para pagkaguluhan sila ng mga tao, huh!

Wala namang partisipasyon ang dalawa sa event. Mabuti sana kung artistahin ang da­ting nila. Ordinaryo lang naman ang mga mukha.

Hindi porke may kintab-kintab ang suot nilang damit, feeling belong na belong na sila sa showbiz, huh!

Lotlot, Monching todo suporta kay Janine

Proud parents sina Lotlot de Leon at Ramon Christopher na dumalo sa premiere night ng Regal movie na “Elise” ng anak na si Janine Gutierrez at Enchong Dee last Tuesday.

Hindi lang kasi ganda sa pelikula ang nagustuhan kay Janine kundi pati ang acting niya, huh! Natural na natural kasi ang dating niya at game na game siya sa kissing scene with Enchong.

Eh kahit ibang young actress ang unang kinunsidera sa role, best choice si Janine kum­para sa young actress na first choice.

After all, hindi naman porke second choice eh, less na kamenos-menos ang dating niya, huh!

Basta, maganda ang pagkakagawa ni Direk Joel Ferrer sa movie kaya deserving na bigyan ito ng Grade A ng Cinema Evaluation Board, huh!

Therese, Kyline walang lusot sa intriga

No room for competition kina Therese Malvar at Kyline Alcantara sa upcoming Kapuso series nilang “Inagaw na Bituin.” Ayon kay Therese, hindi raw niya iniisip na makipagkumpetisyon siya kay Kyline.

“We love what we do so I think walang mamamagitan sa atin na masama,” pahayag ni Therese kay Kyline.

Of course, habang hindi pa umeere ang programa, normal pa ang datingan nila. We can never tell once lumabas na ang character nila’t nagbakbakan na sila sa akti­ngan, huh!

Bahagi na ng intriga ang showbiz kaya walang lusot diyan sina Therese at Kyline!

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy