Una sa Balita

2-year probi sinupalpal ng Palasyo

0 337

SINUPORTAHAN ng Malacañang nitong Linggo ang pahayag ni Labor Secretary Silvestre Bello III na ang panukalang extension ng probation period ng mga manggagawa ay masyado nang mahaba para makakuha sila ng permanent employment.

“I agree with him. Kasi precisely nga kontra tayo don sa ginagawang maniobra doon sa six month probationary period tapos hahabaan mo pa,” saad ni Presidential Spokesperson at Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo.

Binara ni Bello ang panukala dahil taliwas sa polisiya ng administrasyon na pahabain sa 2 taon ang probationary period mula sa anim na buwan
“I don’t think it’s necessary for a worker to undergo a probationary period of two years for an employer to determine his qualification. Six months is enough,” katuwiran pa ni Bello.

Ang panukala sa 2-year probationary period ay isinulong ni Probinsyano Ako Party-list Rep. Jose Singson Jr. Ikinatuwiran nito na hindi sapat ang anim na buwan para matimbang ang kuwalipikasyon ng isang empleyado.

Ang panukala ay binara din ni Senate President Vicente ‘Tito’ Sotto III na nagpahiwatig pang hindi lulusot ang panukala sa Senado. (Prince Golez)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy