Una sa Balita

2 wanted ng EPD, timbog

By
0 5

Naaresto ng pulisya ang dalawang lalaki na itinuturing na Most Wanted Person ng Eastern Police District (EPD) dahil sa kasong pagnanakaw at pagbebenta ng droga kamakalawa sa Pasig at Marikina City.

Kinilala ni EPD Director Police C/Supt. Romulo Sapitula ang naarestong sina Amando Gaspar, 39, ng Pinagbuhatan, Pasig City at Dante Enorme, 43, ng Concepcion, Marikina City.

Nabatid na si Gaspar ay nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 at kabilang sa drug watch list ng EPD habang si Enorme naman ay may nakabimbing kaso at inihain ang warrant of arrest na inisyu Hon. Acerey C Pacheco ng RTC Branch 165 Marikina City.

Naaresto si Gaspar bandang ala-1:30 kamakalawa hapon sa kahabaan ng Riverside Ilugin Brgy. Pinagbuhatan, Pasig City nang magsagawa ng drug buy-bust ang mga tauhan ng PCP 8 at aktong naaresto ang suspek matapos magbenta ng shabu sa police na umaktong poseur buyer.

Nakumpiska kay Gaspar ang isang plastic sachet na naglalaman ng ilegal na droga o shabu. Naaresto naman si Enorme sa E. Rodriguez Highway, Barangay San Jose, Rodriguez, Rizal bandang alas-3:40 ng hapon.
Nakakulong ngayon ang mga suspek habang inihahanda ang kaso laban sa kanila.