Una sa Balita

2 wanted na Koreano sa cyber fraud timbog

By
0 100

DINAMPOT ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) ang dala­wang puganteng Koreano na wanted sa kanilang bansa dahil sa pagkakasangkot sa cyber fraud.

Kinilala ni BI Commissioner Jaime ­Morente ang mga dayuhan na sina Jang Kilwan, 36-anyos, at Lee Junhee, 28-anyos, na hinuli noong Nobyembre 10 sa kanilang tinutuluyang condominium unit sa Fairview, Quezon City ng mga operatiba ng BI.

Ang dalawang dayuhan ay tumakbo sa Pilipinas at nakapagtago nang tatlong taon. Binigyan sila ng warrant of deportation kasunod ng isang summary deportation na inilabas ng BI Board of Commissioners noong Disyembre 2015.
Sinabi ni Morente na ang impormasyon sa mga ito ay nagmula sa embahada ng Korea, na humiling na maaresto at mapabalik sa kanilang bansa upang mapanagot sa kanilang mga gina­wang krimen.

Nabatid na ang dalawa ay wanted sa Korea dahil sa iligal na pagpapatakbo ng isang private internet sports gambling site na umano’y kumita sila ng mahigit US$200,000.

“They would reportedly ask customers who gamble on their site to remit money to their illegally borrowed bank accounts. Having them remain in the country poses a risk against public interest and safety,” wika ni Morente.