Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

2 vendor nangulimbat ng nebulizer, tiklo

0 108

Arestado ang dalawang vendor na namasyal muna sa mall saka nagnakaw ng anim na piraso ng Micro Jet Nebulizer sa loob ng department store kamakalawa ng hapon sa Mandaluyong City.

Sa nakalap na report mula sa tanggapan ni PBGen. Johnson Almazan, Eastern Police District director, nakilala ang mga suspek na sina Liberty Bilegolo, 41; at Princess Angelica Lacdao, 24, kapwa nahaharap sa kasong theft.

Nalambat ang dalawa sa loob ng isang mall sa Barangay Wack Wack bandang alas-4:30 ng hapon matapos sitahin ng security guard na si Allan Abiday, 31, sa aktong ilalabas na ang anim na piraso ng nebulizer na nagkakahalaga ng P11,998.50 pero walang maipakitang resibo.

Ayon kay Abiday, napansin na niya ang kahina-hinalang kilos ng dalawa habang nasa loob ng department store at nakita mismo niya ang pagsilid ng mga nebulizer sa dalang bag ng mga suspek.

Kasalukuyang nakakulong ang mga suspek sa Mandaluyong Police detention cell. (Vick Aquino)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.