Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

2 tulak tinaya buhay kesa makulong

0 341

Dalawang drug pusher ang napatay sa engkuwentro nang piliin nilang manlaban kesa mahuli ng buhay matapos madiskubreng undercover policeman ang kanilang katransakyon sa Barangay Tabing-Ilog, Marilao, Bulacan kamakalawa.

Kinilala ng pulisya ang suspek na sina Romnick Bobila at Javier Arevalo, kapwa taga-Barangay Tabing-Ilog, Marilao.

Alas-12:30 ng madaling araw nitong Lunes nang maganap ang armed encounter sa buy-bust operation ng Station Drug Enforcement Unit ng Marilao police sa pamumuno ni P/Lt. Col. Leandro Gutierez, Chief of Police ng Marilao Municipal Police Station sa Barangay Tabing-Ilog at katransaksyon nila ang dalawang drug pusher.

Nakatunog ang dalawang suspek na aarestuhin sila kaya pinaputukan ang mga arresting officers na napilitang gumanti kaya kapwa duguang bumulagta ang dalawang drug suspect.

Nakarekober ang Bulacan SOCO team ng 2 caliber 38 revolver, 12 pakete ng shabu at assorted drug paraphernalia. (Jun Borlongan)

Leave A Reply

Your email address will not be published.