Una sa Balita

2 tulak timbog sa Pasay buy-bust

0 376

Arestado ang isang babae at ang kasama na nasa drug watch list.

Nakumpiska sa kanila ang mahigit sa P150,000 halaga ng hinihinalang droga sa isinagawang ­buy-bust operation ng mga ­tauhan ng Station Drug Enforcement Unit ng Pasay City Police.

Kulong sina Mari Margarita Nicholson, 41-anyos, at Mark Anthony ­Arellano, 36-anyos, binata, truck driver at ­nakatira sa ­Venus St., Brgy. ­Kaingin, Moonwalk, Parañaque City.

Ayon kay Yang, ang dalawa ay nasa drug watch list ng pulisya at matagal na itong minamanmanan bago nila ito maaresto sa isang buy-bust operation.

Alas-2:15 kahapon ng madaling-araw nang isagawa ang drug ope­ration sa Sitio Wella, Pag-asa Dos, Brgy. 201 Zone 20 nang nasabing lungsod.

Isang poseur buyer ang umiskor ng P500 na droga kay ­Nicholson. Nang aktong iabot na nito ang shabu ay dito na dinakma ng iba pang nakaanbatay na mga awtoridad hanggang sa maaresto ito at pati ang kasama nitong si Arellano.

Nakumpiska sa mga suspek ang siyam na piraso ng plastic sachet na naglalaman ng hinhinalang shabu na may timbang na 21.7 gramo na nagkakahalaga ng P147,560.00, drug para­phernalia at ang P500 pesos na buy-bust money na ginamit sa operasyon. (Armida Rico)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More