Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

2 tulak timbog sa P1.6M shabu, baril

0 408

Kalaboso ang dalawang binata na umano’y mga drug pusher nang makuha sa kanila ang aabot sa P1.6 milyon halaga ng shabu at matataas na kalibre ng baril, sa isinagawang buy-bust operation sa Valenzuela City.

Kinilala ang mga naaresto na sina Glenn Perciana, alyas ‘Bukol’, 39, at Joebert Basito, 41. Kinasa ang operasyon alas-9:30 Martes ng gabi sa bahay ni Perciana sa Money Trans Compound, Brgy. Mapulang Lupa.

Umiskor ang poseur buyer ng ng P6,500 halaga ng shabu sa dalawang suspek kaya nahuli ang mga ito. Nakuha pa sa mga suspek ang 240 gramo ng shabu, isang M-16 rifle, 10 pirasong bala ng M-16, isang (1) shot gun, limang (5) bala ng shot gun at weighing scale.

Kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act at RA 10591 o Illegal Possession of Firearm ang kakaharapin ng mga suspek. (Orlan Linde)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.