Una sa Balita

2 tulak sa Pasig nalambat

By
0 312

ARESTADO ang dala­wang kilalang tulak ng iligal na droga sa ikinasang drug buy-bust ope­ration kamakalawa nang gabi sa Pasig City.

Batay sa report na isinumite ni Police Col. Rizalito Gapas, hepe ng Pasig Police kay PB/Gen. Christopher Tambu­ngan, EPD District director, naganap ang operation alas-10:00 nang gabi nitong Marso 28 sa Dr. Sixto Antonio Avenue, Barangay Rosario, Pasig City.

Kinilala sina Enrico Flores y Gregorio, 58-anyos, karpintero at residente ng 2-E Dr. Sixto Antonio Avenue, Barangay Rosario, Pasig City at Cindy Ganuelas y Babol, 34, vendor ng M.H. Del Pilar, Barangay Palatiw, Pasig City.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy