Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

2 tulak sa palengke laglag

0 323

Umabot sa P340,000 halaga ng shabu ang nasamsam sa dalawang tulak ng droga matapos silang mahulog sa buy-bust operation na isinagawa sa loob ng palengke sa Valenzuela City, Martes ng gabi.

Sa ulat ni Capt. Segundino R. Bulan Jr., hee ng Station Drug Enforcement Unit ng Valenzuela City Police, kinilala ang mga nasakoteng suspek na sina Elpidio Francisco Jr., 55, at Ruby Mateo, 41, biyuda, kapwa residente ng No. 1 Ilalim ng Tulay, Brgy. Unang Sigaw, Quezon City.

Ayon kay PEMS Restie Mables, lumilinya sa pagtutulak ng iligal na droga ang dalawa sa Brgy. Gen. T. De Leon sa nasabing lungsod.

“Medyo malapit sa kanilang lugar kaya sa Valenzuela tumatarima at may mga parokyano na rin sila sa Gen. T. De Leon,” ani PEMS Mables.

Halos isang buwan din aniyang sinu-surveillance sina Mateo at Francisco hanggang sa ikasa ng mga pulis ang buy-bust operation sa loob mismo ng palengke sa Brgy. Gen. T. De Leon dakong alas 11:00 ng gabi.

Isa sa mga tauhan ni Capt. Bulan ang nagkunwaring bibili ng isang plastic sachet ng shabu na nagkakahalaga ng P1,000. Matapos ang abutan, inaresto na ang dalawa at nasamsam pa sa kanila ang 50 gramo ng shabu. (Orlan Linde)

Leave A Reply

Your email address will not be published.