2 tulak sa Bulacan bulagta

By

Dalawa pang tulak na kapwa nasa listahan ng Barangay Anti-Drug Abuse Council (BADAC) ang kapwa napatay makaraang manlaban sa awtoridad sa magkahiwalay na illegal drug operations sa Meycauayan City at Norzagaray, Bulacan kamakalawa.

Ang mga napatay na drug pusher ay nakilalang sina alyas ‘Roman/Bebe’, 40, nasa BADAC list ng Barangay Malhacan, Meycauayan City at Benjie Pacomo, nasa BADAC list din ng Block 10 Lot 37 Phase 1 Barangay FVR, Norzagaray.

Ang dalawang tulak ay kapwa nagtamo ng tama ng bala sa kanilang katawan na ikinasawi ng mga ito matapos kumasa sa awtoridad at marekober sa kanilang pag-iingat ang pitong pakete ng shabu, dalawang caliber .38 rebolber, at isang granada.

SHARE