Una sa Balita

2 tulak huli

By
0 452

Inaresto ng Drug Enforcement Unit ng Pasig Police ang dalawang kilalang tulak ng droga sa ikinasang drug buy-bust operations, kamakalawa nang gabi.

Sa report na nakalap mula sa tanggapan ni PS/Supt. Rizalino Gapas, Chief of Police ng Pasig, inaresto sina Jose Morales y Avansado, 46-anyos, residente ng Elisco Road, Brgy. Kalawaan at Isaiah James y Ramirez, 21-anyos, ng 89 Lopez Haena, Brgy. Sumilang, Pasig City.

Ikinasa ang drug buy-bust operations bandang alas-siyete Biyernes nang gabi na kung saan ay isang police poseur buyer ang nakipagtransaksyon sa mga pusher at nang aktong ibibigay na ang P200 hala­gang droga ay agad na silang dinampot.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy