Una sa Balita

2 tulak dedo sa Bicol buy-bust

0 189

TODAS ang dalawang hinihinalang tulak nang manlaban diumano sa mga aarestong pulis na nagkasa ng buy-bust sa magkahiwalay na bayan sa Bicol region kamakalawa.

Kinilala ang mga napatay na suspek na sina John Alfred Lleno, 33-anyos, residente ng Buhi, Camarines Sur, at Alvin Dichoso, ng Brgy. ­Sampaloc, Sorsogon City.

Naganap umano ang operasyon laban kay ­Lleno dakong alas-2:10 ng hapon sa Brgy. Delos Angeles, Buhi. Nabatid na natunugan umano nito na pulis ang kanyang katransaksyon dahilan upang humugot ito ng kanyang kalibre .38 baril subalit naunahan siya ng pulisya sa pagpu­tok dahilan ng agaran nitong kamatayan.

Nakuha sa napatay na suspek ang isang kalibre .38 baril at 12 sachet ng pinaniniwalaang shabu na nagkakahalaga ng P12,000.

Samantala, alas-9:30 ng gabi naman ng mapatay si Dichoso matapos ding manlaban sa isinagawang operasyon laban sa kanya sa kanyang lugar.

Nakuha sa kanya ang P1,000 buy-bust ­money, dalawang sachet ng pinaniniwalaang shabu gayundin ang hindi pa batid na kalibre ng baril na ginamit nito sa panlalaban. (Edwin Balasa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More