Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

2 tulak bulagta sa buy-bust

0 393

Hindi umano nagpahuli nang buhay ang dalawang tulak nang kumasa sa isinagawang buy-bust operation sa Lipa City at sa Pila, Laguna nitong Martes.

Dead on arrival sa ospital ang suspek na si Neil Katigbak na nakipagbarilan diumano sa mga pulis na nagsagawa ng operasyon sa Brgy. Balintawak, Lipa City alas-11:30 ng gabi.

Narekober dito ang 5 gramo ng shabu at isang 38 magnum revolver.

Sa Brgy. Dila, Bay, Laguna naman dead on the spot ang suspek na si Ronald Mullet na umano’y miyembro ng Baying drug group matapos ding makipagbarilan sa mga awtoridad sa buy-bust operation alas-11:45 ng gabi.

Narekober dito ang 5 sachet ng shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P68,000 pesos at isang kalibre .45 baril.

Nakuha pa sa kanya ang isang brick ng hinihinalang marijuana. (Ronilo Dagos)

Leave A Reply

Your email address will not be published.