Una sa Balita

2 tserman itinumba

By ,
0 60

Dalawang aktibong barangay captain ang binulagta sa magkahiwalay na lugar sa mga lalawigan ng Quezon at Cavite kamakalawa.

Sa unang kaso, patay ang ABC president ng bayan ng Sariaya, Quezon makaraang ito ay pagbabarilin ng riding in tandem suspek sa eskwelahan sa Barangay Castañas, Sariaya, Quezon kamakalawa ng tanghali.

Kinilala ang biktima na si Victorio Luna, barangay captain ng nasabing barangay.

Batay sa report ng Sariaya Police, palabas na ng Castañas National High School ang biktima matapos na ito ay dumalo ng graduation exercise nang pagbabarilin ng mga suspek.

Samantala, dead-on-the-spot naman ang barangay captain ng Brgy. Paradahan 1 sa bayan ng Naic, Cavite, matapos tambangan ng mga hindi nakilalang suspek, mag-aalas-singko ng hapon kamakalawa.

Kinilala ng Naic Municipal Police Station ang nasawing biktima na si Brgy. Captain Nolasco Morris, na tinambangan habang nagmamaneho ng kanyang Ford Ecosport (IM 3788), kasama ang dalawang kaibigan.

Nabatid na galing sa sabungan ang mga biktima nang sundan ng mga suspek na sakay ng kulay asul na Ford Expedition.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy