Una sa Balita

2 tren sa Pakistan nagbanggaan; 9 patay, 66 sugatan

0 269

Siyam na katao ang nasawi at mahigit 60 ang sugatan nang magsalpukan ang dalawang tren sa Pakistan kahapon.

Nangyari ang aksidente sa Rahim yar Khan district sa Punjab province nang mabundol ng isang pampasaherong tren mula sa Lahore ang isang nakahintong tren.

Siyam na katao ang agad na nakuha ang bangkay mula sa nawasak na mga tren habang isinugod sa pagamutan ang iba pang pasahero kung saan ay apat dito ay nasa kritikal na kondisyon.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy