Una sa Balita

2 tren sa Bangladesh nagsalpukan; 16 patay, 58 sugatan

0 439

NASA 16 katao ang nasawi habang 58 pa ang sugatan matapos magsalpukan ang dalawang tren nitong Martes.

Tatlong bagon ang tumilapon mula sa riles nang magbanggaan ang dalawang­ tren sa Mondolbhag Station sa Brahmanbaria District, Eastern Bangladesh, ayon sa Al Jazeera report.

Tataas pa umano ang bilang ng death toll dahil may ilan pang pasahero ang na-trap sa ilalim ng mga bagon.

Samantala, sinuspinde na ang operas­yon ng tren sa Dhaka, Sylhet at Chittagong.

Ang faulty signalling naman ang tinitingnang sanhi ng insidente.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy