Una sa Balita

2 tren ng MTR sa HK nagbanggaan, 2 sugatan

0 316

DALAWANG subway train sa Hong Kong ang nagbanggaan habang sinusubukan ang bagong signal system nitong Lunes, Marso 18.

Nangyari ang banggaan sa pagitan ng Central at Admiralty station bago buksan ang estasyon nitong Lunes nang madaling-araw.

Walang sakay na pasahero habang isinasagawa ang testing sa bagong signal system, pero da­lawang driver ang nasugatan at dinala sa ospital.

Dahil sa pangyayari, nagdesisyon ang Mass Transit Railway (MTR) management na isara ang bahagi ng Tsuen Wan Line at hinikayat ang mga mananakay na iwasan ang nasabing ruta at sumakay na lang ng bus o ibang uri ng transportasyon.

Ang pagsasara ng nasabing linya ay makakaapekto sa transportasyon ng milyong mana­nakay ng MTR. Umaabot sa anim na milyong commu­ter ang sumasakay sa MTR tuwing weekdays.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy