Una sa Balita

2 todas sa Simbang Gabi

By
0 2

Dalawa ang patay sa pamamaril ng mga ‘di nakilalang suspek habang isinasagawa ang ­Simbang Gabi sa ­Barangay San ­Antonio, Biñan City, ­Laguna kamakalawa ng gabi.

Batay sa report ng Biñan Police, bandang alas-10:00 ng gabi, ­nangangasiwa ng ­security sa San Antonio Parish Church ang isang Allan Fernandez nang duma­ting ang dalawang suspek at pagbabarilin ito.

Nagtamo ito ng mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan, samantalang nahagip din ng mga bala ang dala­wang uma-attend ng Simbang Gabi na sina Rowena Flores at Christine Joy Sailog.

Agad isinugod sa ­ospital ang mga biktima subalit idineklarang dead on arrival sina ­Fernandez at Sailog. Tumakas ­naman ang mga suspek matapos ang krimen.

Napag-alaman na si Fernandez ay kasama sa drug watch list ng Biñan PNP.
Patuloy pa ang ­imbestigasyon sa kaso.