Una sa Balita

2 todas, 6 arestado sa pot session

By
0 177

Todas ang ­dalawang katao habang arestado ang anim pang kasamahan ng mga ito, maka­raang makaengkuwentro ng mga intel operatives ng Bacoor Component Police Station sa Cavite, kamakalawa ng gabi.

Sa ipinadalang ulat ni Cavite Police Director S/Supt. Eliseo DC Cruz, nabatid na nasawi sa ­palitan ng putok ang isang @ Totoy at isang @ ­Onyok, habang dinakip naman ang mga ka-pot session nilang sina Saturnino Majeco y Tidoy @ ­Bebot, 55; Remigio Antillon Jr. y Brosas, 48; ­Joshua Miguel y Mammuad, 22; Miguelito Señadan y Qoite, 28; Robert Rabang y Bagusan, 32; at Charlie Villegas y Ulito, 33.

Napag-alaman na ikinasa ang buy bust operation dakong alas-10:00 ng gabi sa Camella Springville Molino 3, kung saan nakabili ang poseur buyer ng P700 halaga ng shabu. Dito na nagkabulagaan nang makilala ng isa sa mga suspek ang asset ng parak at nagsimulang uma­lingawngaw ang putukan.

Bulagta sina @ Totoy at @ Onyok na armado ng cal. 45 at cal. 38 na kargado ng mga bala. Narekober din ang 5 plastic sachet ng shabu na tina­tayang may timbang na 5.6 gramo at samu’t ­saring drug parapher­nalia.

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More