Una sa Balita

2 titser nakapkapan ng shabu

By
0 2

Dalawang public school teachers ang inaresto sa isang buy-bust operation sa Cagayan de Oro City.

Kinilala ang mga dinakip na sina A­lex dela Vega at Velijun Perez, kapwa guro sa Macanhan National High School at Canitoan National High School.

Nakumpiska mula sa mga suspek ang siyam na sachet ng shabu na nagkakahalagang P50,000.

Ayon kay Sr. Insp. Dennis Ebsolo, hepe ng Lumbia Police, nakatanggap sila ng report kaugnay sa illegal drug activity ng mga suspek kaya nagsagawa ng operasyon kamakalawa ng gabi.

Sinasabing sina Dela Vega at Perez ay kapwa ikinokonsiderang high-value targets ng pulis.

Nakapiit na ngayon sa Lumbia Police Station ang mga suspek at nahaharap sa kasong selling and possessing illegal narcotics.