Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

2 tirador dedbol sa engkuwentro

0 134

Patay ang hinihinalang mga tirador na riding-in-tandem matapos umanong lagpasan ang isang checkpoint at makipagbarilan sa mga pulis sa Binangonan, Rizal kahapon ng madaling-araw.

Sa press briefing kahapon sa Camp Crame, sinabi ni Police Regional Office (PRO) 4 (CALABARZON) spokesperson P/Maj. Mary Anne Crester Torres na inaalam pa nila kung ang mga hindi pa nakikilalang mga suspek ang responsable sa serye ng holdapan sa mga establisimyento at gasolinahan sa Rizal at karatig lugar.

Lumitaw din sa imbestigasyon na pag-aari ng isang Julian Khyle De Leon ang gamit nilang motorsiklo at kinarnap nila ito sa loob ng Hillsdale Summit Subd. Brgy. San Isidro, Angono, Rizal noong Abril 5.

Sa ulat, hinabol ng mga pulis ang dalawa nang lagpasan nila ang checkpoint sa ML Quezon Ave. Extn. sa Brgy. Mahabang Parang, Angono, Rizal bandang alas-2:45 ng madaling-araw.

Dumausdos ang motorsiko ng mga suspek pagdating sa Madrigal Road sa Brgy. Pantok pero sa halip na sumuko ay pinaputukan umano ng mga ito ang papalapit na mga pulis.

Tinamaan ang mobile car at isang pulis na suwerteng nakasuot ng bullet proof vest. Gumanti ng putok ang mga pulis dahilan ng agarang kamatayan ng mga suspek. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.