Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

2 timbog sa pekeng COVID vaccine card, swab test

0 44

Arestado ang dalawa katao dahil sa paggawa at pagbebenta ng mga pekeng vaccination card at negative swab test result para sa COVID-19 sa isinagawang raid ng mga operatiba ng Manila Police District sa Quiapo, Maynila.

Kinilala ni PNP chief General Guillermo Eleazar ang naarestong suspek na sina Jimmy Santisima at Edito Parr.

“I commend the Manila Police District for its successful operation that resulted in the arrest of two people who are behind the manufacture and selling of fake vaccination cards and RT-PCR test result in Quiapo,” pahayag ni Eleazar.

Isinagawa ang operasyon sa nakalap na intellegence report hinggil sa bentahan ng mga pekeng vaccination cards at negative RT-PCR results sa Quiapo.

Nadiskubre ng mga operatiba ng Manila Police District sa kanilang operasyon na may template ang mga kawatan, nagmula sa San Lazaro Hospital para sa pekeng swab test result habang sa Pasay City naman ang pekeng vaccination cards.

Nasamsam din ang ilang pekeng dry seal ng ilang unibersidad at ahensya ng pamahalaan kaya hihinalang namemeke rin sila ng iba pang dokumento tulad ng birth certificate at marriage contracts. (Edwin Balasa/Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.