Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

2 timbog carnapping, shabu

0 368

Arestado ng Cavite police ang dalawang katao na sakay ng isang carnapped vehicle matapos na takasan ang isang checkpoint sa Tagaytay City, Cavite.

Kinilala ang isa sa naaresto na si Marilen Medina, nasa wastong edad habang pinaghahanap ang kasamahang driver na tumakas matapos ang insidente.

Sa ulat ni Corporal Archie Paclibar ng Tagyatay City Police Station, dakong alas-7:30 kamakalawa ng gabi nang nakatanggap ng tawag ang Police Community Precinct (PCP) 3 na naispatan ang isang carnapped vehicle kaya pinara ang driver ng sasakyan subalit sa halip na tumigil ay pinasibad pa ang sasakyan.

Hinabol ng mga pulis ang mga suspek subalit muling naharang sa Barangay Maatim II Central Tagaytay City . Dito na nakatakas ang driver habang naaresto naman ang dalawang kasama nito.

Nang inspeksiyunin ang sasakyan ay nakakuha sa loob ang tinatayang 0.12 gramo ng shabu.(Gene Adsuara)

Leave A Reply

Your email address will not be published.